US Pres. Donald Trump sinabing umiinom siya ng gamot sa malaria para makaiwas sa COVID-19
Inamin ni US President Donald Trump na isang linggo na siyang umiinom ng gamot na hydroxychloroquine.
Ang nasabing gamot ay para sa malaria at lupus.
Ayon kay Trump mag-iisang linggo na niyang ginagamit ang naturang gamot at maayos pa naman ang kaniyang kalagayan.
Pero sa ngayon ayon sa mga medical expert, wala pang patunay na ang hydroxychloroquine ay mabisa panlaban sa coronavirus.
Sinabi rin ng US president na marami ring frontliner ang gumagamit ng naturang gamot.
Ayon sa US Center for Disease Control, nananatiling walang aprubadong gamot para sa COVID-19.
Noong nakaraang buwan ay nag-isyu pa ng abiso ang US Food and Drug Administration at sinabing walang patunay na ligtas at epektibo ang hydroxychloroquine.
Katunayan sinabi ng FDA na may mga pag-aaral pa nga na maaring magdulot ng heart rhythm problems ang gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.