Oil price increase epektibo na ngayong umaga

Nagpatupad ng malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Dagdag na P1.25 ang ipinatupad sa kada litro ng gasolina, P2.35 sa kada litro ng kerosene at P0.55 sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang dagdag presyo ng Shell, Petron, SeaOil, Flying V, Total, Phoenix Petroleum, PTT, at Petro Gazz alas 6:00 ng umaga.

Ang kumpanyang Chevron naman ay nauna nang nagpatupad ng dagdag alas 12:01 ng madaling araw. Mas mataas din ng bahagya ang dagdag nito sa kada litro ng kerosene na P2.40.

Ang kumpanyang Cleanfuel ay mamayang alas 4:01 ng hapon magpapatupad ng dagdag presyo.

 

 

 

Read more...