Sarangani, Davao Occidental dalawang beses niyanig ng lindol
Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa 341 kilometers Southeast ng Sarangani, alas-3:02 madaling araw ng Martes (May 19) at may lalim na 47 kilometers.
Samantala, niyanig naman ng malakas na magnitude 4.3 na lindol ang 307 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-3:14 madaling araw at may lalim na 1 kilometer.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.