Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 157 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos, alas-12:54 madaling araw ng Martes (May 19).

May lalim na 72 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...