Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 195

By Mary Rose Cabrales May 19, 2020 - 05:45 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal, nasa 195 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 4 ang bagong bilang ng nadagdag habang nadagdagan ng 1 bilang ng mga active cases kaya’t umabot na ito sa 157.

Nanatili naman sa 63 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 415.

Samantala, nasa 37 ang bilang ng probable habang nasa 795 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

TAGS: coronaviruz, COVID-19, Health, Rizal, coronaviruz, COVID-19, Health, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.