Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 250 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Lunes, May 18 6PM) umakyat na sa 250 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 69 pulis na nakarecover na habang may 4 nasawi.

Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 754 na at 538 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...