Mga ‘motel’ at videoke bar, naglipana sa mga ginagawang proyekto ng DPWH

By Jay Dones February 16, 2016 - 04:34 AM

 

Mula sa inquirer.net

Habang dumadami ang mga proyekto at pagpapalawak ng mga lansangan na pinangangasiwaan ng Department of Public Works and Highways, dumadami rin ang bilang ng mga videoke bar at iba pang sex establishment sa tabi ng mga ito.

Ito ang mga impormasyong nakakarating sa tanggapan ni DPWH Secretary Rogelio Singson.

Dahil dito, ipinag-utos na ng kalihim sa DPWH committee on gender and development na bumuo ng ‘module’ na pipigil sa mga insidente ng trafficking in persons sa mga establisimiyentong itinatayo sa mga proyekto ng Kagawaran.

Gayunman, ayon sa isang source ng Inquirer, matagal nang ‘kalakaran’ ang mga ganitong uri ng negosyo sa tuwing may mga proyektong ginagawa ang Kagawaran lalo na sa mga probinsya.

Ito aniya ay maihahalintulad sa mga naglipanang mga ‘nightclub’ sa Pampanga at Subic sa tuwing may barko ng Amerika na dumadaong sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.