Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,273

By Mary Rose Cabrales May 19, 2020 - 05:00 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (May 18, 3:00 PM) pumalo na sa 1,273 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 31 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 276
Laguna – 386
Batangas – 145
Rizal – 385
Quezon – 81

Nasa 512 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 23 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 88
Laguna – 172
Batangas – 74
Rizal – 124
Quezon – 54

Nanatili sa 141 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 26
Laguna – 31
Batangas – 20
Rizal – 56
Quezon – 8

 

TAGS: calabarzon, coronavirus disease, COVID-19, Health, calabarzon, coronavirus disease, COVID-19, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.