Science City of Muñoz nakapagtala ng pinakamataas na heat index ngayong araw
Mainit at maalinsangang panahon ang naranasan sa anim na lugar sa bansa ngayong araw ng Lunes, May 18.
Ayon sa PAGASA, ang Science City of Muñoz nakapagtala ng pinakamataas na heat index ngayong araw na umabot sa 47 degress Celsius alas-2:00 ng hapon.
Pawang nakapagtala ng 45 degress Celsius na heat index ang Sangley Point, Cavite City (5:00PM) at Tuguegarao City (2:00PM).
Nakapagtala naman ng 44 degress Celsius na heat index ang sumusunod na lugar:
Legazpi City (2:00PM)
NAIA, Pasay City (12:00PM)
Roxas City (11:00AM)
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.