Mainit at maalinsangan na panahon ang naranasan sa ilang bahagi ng bansa araw ng Linggo (May 17).
Ayon sa PAGASA, limang stations nila ang nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon kung saan pumalo sa 36.9 degrees Celsius ang naitalang temperatura sa Cotabato City.
Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:
Tuguegarao City – 36.7 degrees Celsius
Echague, Isabela – 36.5 degrees Celsius
Science City of Muñoz – 36.0 degrees Celsius
Zamboanga City – 35.6 degrees Celsius
Paalala ng weather bureau na nasa panahon pa rin tayo ng tag-init kaya’t dapat dalasan ang pag-inom ng tubig.
Dagdag pa ng PAGASA, dapat ding bawasan ang physical activities sa tanghali o hapon para maiwasan ang heat stress.
MOST READ
LATEST STORIES