Pagdedeklara ng MECQ hindi pagkakamali, ibinase sa scientific at economic aspects
Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na hindi nagkamali ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pag-downgrade ng enhanced community quarantine (ECQ) patungo sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iniangkla ng pamahalaan sa scientific at economic base ang desisyon.
Sadyang nagulat lamang aniya ang pamahalaan sa pagdagsa ng mga tao sa mall at sa mga lansangan.
“It is scientific and economic. We consider all of these in the decisions made by the IATF. The decision was made that there is a 5-day doubling rate and we have capacity as of now para magbigay ng critical care at medical attention para sa mga magkakasakit as of now. pero ang assumption po natin full cooperation ng ating mga kababayan,” pahayag ni roque
Matapos kasi aniya ang dalawang buwang lockdown, kinakailangang buksan na ang ekonomiya.
Sa ilalim ng MECQ, pinapayagan nang magbukas ang mga mall at iba pang mahahalagang establisyemento.
“Kaya nga lang ang inaasahan natin dahan dahan, unti-unti-, hinay hinay. Kaya lang nag nangyari po talaga nagdagsaan. So kaya nga po nagbigay tayo ng babala, unang-una hindi po yan permanente.Dahil obligasyon ng estado na pangalagaan ang kalusugan, pwede po taying bumalik sa ECQ. At patuloy po tayong nakikusap, kailangan po natin ng kabuhayan kaya binuksan natin ang ekonomiya. Hindi po yan dahilan para mag-malling,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.