Pangulong Duterte babalik ng Metro Manila mamayang gabi

Mula sa Davao City ay nakatakdang bumalik ng Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, babalik ng Malakanyang ang pangulo mamayang gabi.

Gayunman, hindi tiyak ni Roque kung matutuloy ang public address ng pangulo na ginagawa niya tuwing Lunes ng gabi o kaya naman ay nire-record na lamang at ipalalabas ng Martes ng umaga.

“Ang alam ko pong pagbalik niya ay, kung hindi ako nagkakamali, mamaya din. Hindi ko lang po alam kung matutuloy ang public address. Pero mamaya po ang balik ni Presidente, gabi,” ani Roque sa kaniyang online press briefing.

Ang pangulo ay umuwi ng Davao City noong Sabado matatapos na dalawang buwang hindi makauwi doon dahil sa lockdown.

Ayon kay Roque ang pangtungo ng pangulo sa Davao City ay para i-assess din ang health crisis situation sa Mindanao.

Paliwanag pa ni Roque, umiwas din ang Pangulo na bumisita sa Cebu na may mataas na kaso ng COVID-19 dahil sa matanda na siya.

“Siguro po kasi yung the fact na vulnerable person din ang Presidente kaya umiwas siya sa mga mataas na cases, sa GCQ siya nagpunta,” pahayag ni Roque

 

 

 

 

 

Read more...