Ilang lalawigan sa Luzon uulanin – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo May 18, 2020 - 01:15 PM

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, makararanas ng moderate hanggang heavy na pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Rizal sa loob ng susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila, partikular ang Las Pinas Muntinlupa at Paranaque.

Gayundin sa mga bayan ng San Pedro, Binan, Santa Cruz, Pila, Liliw, Alaminos, at San Pablo sa Laguna; mga bayan ng Real at General Nakar sa Quezon; Lipa, Santo Tomas, Malvar, Balete, Mataas na Kahoy at Talisay sa Batangas at ang lalawigan ng Cavite.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antay sa mga inilalabas na abiso ng PAGASA.

 

 

 

 

TAGS: bataan, Bulacan, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Rizal, Tarlac, thunderstorm advisory, weather, zambales, bataan, Bulacan, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Rizal, Tarlac, thunderstorm advisory, weather, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.