Tensyon namuo sa branch ng Meralco sa Pasay City

By Erwin Aguilon, Jan Escosio May 18, 2020 - 01:59 PM

Nagkaroon ng tensyon sa branch ng Meralco sa Pasay City.

Nagalit ang mga nagtungong residente sa lugar dahil sa sistema ng pagpapasok sa mga magbabayad ng bill.

Maaga pa lamang mahaba na ang pila sa labas ng Meralco Branch dahil sa mga taong magbabayad ng kanilang bill.

Pero pagkatapos nilang pumila ng ilang oras, sinabihan silang bumalik na lamang bukas.

Dahil dalawa lang ang teller na tumatanggap ng mga bayad, naging mabagal ang usad ng pila at pinapauna din ang mga senior citizens kayat naiipon ang mga nasa regular na pila.

Para hindi rin humaba ng husto ang pila sa kalsada at magdulot ng trapiko, binuksan na ang covered parking lot ng sangay ng Meralco para sa mga nasa regular na pila.

Nagpasaklolo na rin sa barangay ang Meralco para sa maayos na pagpapapila sa mga magbabayad ng kuryente.

Samantala, sa Meralco branch sa Commonwealth Avenue sa Quezon City humaba rin ang pila ng mga magbabayad na residente.

Anila, natatakot silang maputulan sila ng kuryente kaya agad nagtungo sa branch nang ito ay magbukas na.

Excerpt: Maaga pa lamang mahaba na ang pila sa labas ng Meralco Branch dahil sa mga taong magbabayad ng kanilang bill.

TAGS: Meralco, Pasay, quezon city, Meralco, Pasay, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.