Bahagi ng 3 barangay sa Parañaque isasailalim sa strict community quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo May 18, 2020 - 12:48 PM

Isasailalim sa strict community quarantine ng ilang bahagi ng Parañaque City.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, inatasan niya ang City Health Office na agad i-isolate ang mga makikitang positibo sa COVID-19 sa mga barangay na sasailaim sa “strict community quarantine (SCQ).”

Ang lungsod ay mayroong 635 na kaso ng COVID-19.

Kabilang sa mga barangay na mayroong mataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod ay ang San Dionisio (82 cases); San Antonio, (79); BF Homes, (66); Don Bosco, (60); Moonwalk, (58); at Baclaran, (49).

Sa ngayon ang bahagi ng mga Barangay San Dionisio, San Antonio, at Baclaran ang isasailalim sa istriktong community quarantine.

Maglalabas ng guidelines ang lokal na pamahalaan na ipatutupad sa mga sasakupin ng SCQ.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Paranaque, Radyo Inquirer, State of Emergency, strict community quarantine, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Paranaque, Radyo Inquirer, State of Emergency, strict community quarantine, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.