Pinsala ng Typhoon Ambo sa agrikultura umakyat na sa P1.04B
By Dona Dominguez-Cargullo May 18, 2020 - 12:29 PM
Umabot sa mahigit P1 bilyon ang pinsala ng Typhoon Ambo sa agrikultura.
Ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa P1.04 billion ang pinsala ng bagyong Ambo sa mga pananim.
Tinatayang aabot sa mahigit 20,600 na ektarya ng pananim ang napinsala at 21,655 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
Ang mga lugar na nagtamo ng matinding pinsala ay ang CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.