18 milyong mahihirap na pamilya dapat bigya ng ayuda ng gobyerno

Ipinapasama ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa gobyerno sa ikalawang bugso ng emergency subsidy ngayong buwan ang lahat nang 18 milyong mahihirap at near-poor na mga pamilya.

Ayon kay Rodriguez, dapat irekonsidera ng inter-agency task force (IATF) ang rekomendasyon nito na limitahan ang 2nd tranche ng ayuda sa mga nasa ilalim na lang ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Katuwiran ng kongresista, ang pag-etchapwera sa mga benepisyaryong nakatira sa mga lugar na mapapailalim na sa general community quarantine ay labag sa Bayanihan Law kung saan binanggit ang specific targets na 18 milyong low income households na dapat tumanggap ng cash assistance para sa dalawang buwan.

Sa rekomendasyon ng IATF, lilimitahan ang ikalawang bugso ng tulong pinansyal dahil sa kakapusan ng pondo at para masakop ang dagdag na 5 milyong pamilya na hindi nakatanggap noong nakaraang buwan.

Bagama’t nauunawaan daw ni Rodriguez ang ibinigay na mga dahilan ng IATF, hindi pa rin nito maaaring labagin ang batas.

Dagdag bg mambabatas, magiging discriminatory at unfair ang hakbang na ito sa mahihirap na pamilya sa mga lalawigang nasa GCQ kung ang makikinabang lang ay iyong mga nasa Metro Manila.

 

 

 

 

 

Read more...