Gobyerno, LGUs hindi handa sa re-opening ng Malls puna ng ibang senador

By Jan Escosio May 18, 2020 - 11:37 AM

Nagdulot ng pangamba sa ilang senador ang paglabasan ng mga tao sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at maging ang mga nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine o MECQ.

Sa obserbasyon ni Senator Nancy Binay sinabi nito hindi handa ang mga lokal na pamahalaan maging ang mga ahensiya ng gobyerno.

Diin nito kung pagbabasehan ang bugso ng mga tao sa labas noong nakaraang Sabado, hindi aniya second wave ng COVID 19 ang paghandaan kundi ‘tsunami.’

Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson mukhang dapat pag-aralan ng Inter Agency Task Force ang pagpapabukas sa mga malls at ilang establismento hanggang hindi istriktong nasusunod ang physical distancing at iba pang safety protocols.

Sa palagay naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto hindi pa nalalagpasan ng Pilipinas ang unang bugso ng COVID 19 dahil hindi pa lubos na naikakasa ang mass testing.

Aniya inaasahan na niya na dadami pa ang mga mahahawa kung babalewalain ng tao ang safety protocols.

Ipinaubaya naman na lang nina Senate Minority Leader Frank Drilon at Sen. Francis Tolentino sa mga eksperto ang pagbibigay opinyon sa first wave o second wave ng COVID 19 sa katuwiran na ang mga ito ang mga may hawak ng mga datos at kumpletong impormasyon.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mall opening, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mall opening, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.