Sapatos na isinuot ni Michael Jordan sa isa niyang game, nabili ng $560,000 sa isang auction house

By Dona Dominguez-Cargullo May 18, 2020 - 11:20 AM

Nabenta ng $560,000 ang pares ng sneakers na isinuot ni Michael Jordan sa isa niyang mga game.

Ang Air Jordan sneakers ay nabenta sa auction house na Sotheby at maituturing na all-time record ang halaga ng pagkakabenta dito para sa isang basketball shoes.

Ang sapatos na mayroong kombinasyon na kulay puti, itim at pula ay ginawa para kay Jordan noong 1985.

Mayroon itong autograph ni Jordan.

Ang Air Jordan 1 ay ang unang model ng sapatos na nilikha ng Nike para kay Michael Jordan.

Noong July 2019, nabili sa auction house ang “Moon Shoe” na isa sa mga kauna-unahang sneakers ng Nike sa halagang $437,000.

 

 

TAGS: Air Jordan, Inquirer News, Michael Jordan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sotheby's Auction House, Tagalog breaking news, tagalog news website, Air Jordan, Inquirer News, Michael Jordan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sotheby's Auction House, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.