Mocha Uson humarap sa NBI para magsumite ng tugon sa ipinadalang summon sa kaniya
Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) si Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson.
Ito ay para magsumite ng kaniyang tugon sa ipinadalang summon ng NBI kaugnay sa umano ay pagpapakalat ng “fake news” ng kaniyang social media account.
Si Uson ay pindalhan ng summon ng NBI dahil sa umano ay paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.
Base sa reklamo, nag-post ng “fake news” sa account ni Uson na Mocha Uson Blog hinggil sa pagbili ng umano ng pamahalaan ng mga PPE sets.
Pero ang larawan na ginamit sa post na iyon sa Facebook page ni Uson ay larawan mula sa Facebook ng SM Foundation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.