Halaga ng ipatutupad na dagdag sa presyo ng produktong petrolyo inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis

Nag-anunsyo na ng halaga ng ipatutupad na dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Dagdag na P1.25 ang ipatutupad sa kada litro ng gasolina, P2.35 sa kada litro ng kerosene at P0.55 sa kada litro ng diesel.

Ayon sa kumpanyang Shell epektibo ang dagdag presyo nila bukas alas 6:00 ng umaga.

Ang Petro Gazz ay may parehong halaga ng taas presyo bukas sa kanilang gasolina at diesel.

 

 

 

 

 

Read more...