Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagtugon sa kritisismo nang isulong ang Charter Change sa gitna ng pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuti na ang DILG na ang tumugon sa naturang usapin.
Isinusulong ng DILG na makalikom ng 2 milyong lagda para maipresenta sa kongreso at maisulong ang CHA CHA.
Online petition ang ginagawa ngayon ng DILG at sinuspinde ang physical signature campaign dahil sa COVID-19.
Sa ilalim ng CHA CHA , babaguhin ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa Pederalismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.