Mga mall na lalabag sa rules sa social distancing ipasasara – DILG
Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamunuan ng mga mall na maari silang maipasara kung mabibigong sumunod sa rules sa pagkakaroon ng social distancing.
Ayon sa DILG, dapat mahigpit na naipatutupad ang physical distancing at pagkontrol sa dami ng mga pumapasok sa loob ng mall.
Inatasan ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang lahat ng LGUs at ang Joint Task Force COVID Shield sa ilalim ng pamumuno ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na magsagawa ng regular na inspeksyon sa mga mall at makipag-usap sa mall management.
“All Chiefs of Police and PCP Commanders should make rounds of all malls prior to opening and during operating hours. If the malls are not able to comply with the minimum health standards, the PNP can close the malls and charge the mall owners with violation of the Bayanihan to Heal As One Act,” ayon kay Año.
Mananatili din ayon sa DILG ang lahat ng PNP checkpoints sa mga lugar na nakasailalim sa community quarantine, mapa-ECQ, MECQ o GCQ o MGCQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.