QC Hall of Justice isinailalim sa lockdown matapos ang ulat ng pagkasawi ng isang suspected COVID-19 patient
Nagpatupad ng lockdown sa Hall of Justice ng Quezon City matapos na mayroong napaulat na nasawing suspected COVID-19 patient.
Sa official statement ni QC Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert isang empleyado mula Regional Trial COurt o Metropolitan Trial Court sa lungsod ang pumanaw.
Mayroon ding hindi kumpirmadong balita na isang empleyado mula sa isang opisina sa Hall of Justice ang nasawi dahil sa severe pneumonia at isa rin itong suspected COVID-19 patient.
Napaulat din na nagtungo pa sa Hall of Justice ang nasabing empleyado ilang araw bago ang pagpanaw.
Bagaman kailangan pang i-verify ang nasabing mga ulat, sinabi ni Burgos-Villavert na isasailaim na sa disinfection ang gusali.
Ang lockdown sa Hall of Justice ay simula ngayong araw at ayon kay Villavert inaprubahan ito ni Court Administrator Jose Midas Marquez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.