Mga Pinoy “sadyang pasaway” ayon sa isang health expert

By Dona Dominguez-Cargullo May 18, 2020 - 07:50 AM

Nakita ang pagiging “sadyang pasaway” ng mga Pinoy sa unang ilang araw ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine at general community quarantine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Dr. Anthony Leachon, Adviser to the Inter Agency Task Force on COVID-19, hindi talaga malabo ang second wave ng sakit kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon.

Maliban sa pagiging sadyang pasaway problema din aniya ang pagiging ignorante o kawalang alam ng mga Pinoy.

Malinaw naman aniya sa guidelines sa ilalim ng modified ECQ at GCQ na hindi naman lahat ay pwede nang lumabas.

Isa rin sa nakikitang ni Leachon na maaring maging problema ang paparating pang mga bagyo sa bansa.

Kailangan ayon kay Leachon na handa na ang mga lokal na pamahalaan sa pagkakaroon ng hiwalay na evacuation centers at hiwayal na quarantine facilities.

Dapat ding may health protocols na paiiralin sa mga evacuation center.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, ECQ, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, modified ECQ, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, ECQ, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, modified ECQ, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.