Lahat ng mga mall sa Cavite muling isasara; kaso ng COVID-19 sa lalawigan lumobo mula nang ipatupad ang GCQ
Lumobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Cavite ilang araw mula nang ipatupad ang General Community Quarantine sa lalawigan.
Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla mula sa 239 cases noong May 13 ay umabot na sa 275 ang kaso ng COVID-19 as of May 17.
Halos 40 ang nadagdag sa kaso ayon kay Remula sa loob lang ng ilang araw na pag-iral ng GCQ.
Dahil dito, sa bisa ng Executive Order na sinang-ayunan ng mga alkalde sa Cavite, ipinag-utos ni Remulla ang pagpapasara muli sa lahat ng mga mall sa lalawigan.
Sinabi ni Remulla na bigo ang pamunuan ng mga mall na magpatupad ng social distancing.
Maging ang mga supermarket at drug store na nasa loob ng mall ay pansamantalang sarado muna hanggang sa makagawa na ng hakbang ukol sa social distancing.
Nakiusap din si Remulla sa mga manggagawa sa Cavite na huwag abusuhin ang paggamit ng kanilang company ID.
Dapat aniya ay mayroong certificate of duty mula sa HR sa araw at oras ng kanilang trabaho.
Kung hindi oras at araw ng duty ay hindi pwedeng gamitin ang company ID para gumala-gala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.