Pagtatayo ng MRT 7 sisimulan na ayon sa San Miguel Corporation

By Den Macaranas February 15, 2016 - 08:09 PM SHARE(S):

Ramon AngInanunsyo ng San Miguel Corporation na naisumite na nila ang lahat ng mga requirements para masimulan na ang construction ng 22.8 kilometers na MRT 7 project mula Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte Bulacan.

Sinabi ni SMC President at Universal LRT Corporation Ltd. Chairman Ramon Ang na naibigay na nila sa Department of Transportation and Communications (DOTC) pati ang bank certification para sa P63Billion na halaga ng proyekto.

Nauna nang sinabi ni Ang na magsisimula ang construction sa MRT 7 project sa February 18 2016 na matatapos naman sa August 17 2019.

Ang nasabing proyekto na inaprubahan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo subalit nagkaroon ng problema dahil sa pag-aagawan ng SM Group at Ayala Corporation kung saan itatayo ang Central Terminal.

Sa mga unang taon ng opearasyon ay inaasahang aabot sa 448,000 daily passengers ang makikinabang sa MRT 7 na binubuo ng 108 coaches para sa three-car train configuration.

Kapag naging fully-operational na, sinabi ni Ang na posibleng umabot sa 850,000 kada araw ang mapaglilingkuran ng nasabing elevated train system.

TAGS: MRT 7, Ramon Ang, San Miguel Corporation, MRT 7, Ramon Ang, San Miguel Corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.