LPA na dating bagyong Ambo wala nang direktang epekto sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo May 18, 2020 - 06:12 AM

Wala nang direktang epekto saanmang panig ng bansa ang Low Pressure Area na dating si Typhoon Ambo.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 155 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.

Inaasahang lalabas ng bansa ang LPA mamayang tanghali o hapon.

Sa weather forecast ngayong araw, sinabi ng PAGASa na ang buong bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Nainit na temperatura ang aasahan ngayong araw sa Metro Manila na maaring umabot sa 34 degrees Celsius ang maximum.

Sa susunod na 3 hanggang 5 araw sinabi ng PAGASA na walang sama ng panahon na posibleng mabuo o papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.