Bahagi ng Commonwealth Ave., Litex isasara simula ngayong araw

Isasara ang dalawang linya sa Commonwealth Avenue, Litex eastbound at westbound.

Ang pagsasara ng bahagi ng kalsada ay sisimulan ngayong araw, May 18, 2020 at tatagal hanggang sa May 30, 2020.

Sa abiso ng DOTr MRT-7 Project Traffic Management Task Force ang pagsasara ng kalsada ay para bigyang daan ang paggiba sa Litex Footbridge.

Magtutulong-tulong ang task force, MMDA at lokal na pamahalaan para magmando ng daloy ng traffic sa lugar.

“The DOTr MRT-7 Project Traffic Management Task Force, in coordination with the MMDA and concerned Local Government Agencies, will continue to monitor the traffic situation along the affected areas, and will implement adjustment to ease up traffic congestion,” ayon sa Task Force.

 

 

 

 

Read more...