Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City, umabot na sa 181
By Mary Rose Cabrales May 18, 2020 - 05:44 AM
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Valenzuela.
Base sa huling datos ng lungsod ng Valenzuela, umabot na sa 181 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lugar.
Umabot naman sa 132 ang bilang ng mga active cases.
Nanatili sa 38 ang bilang ng mga naka-recover sa virus.
Nanatili naman ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa lungsod sa 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.