Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,242

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (May 17, 3:00 PM) pumalo na sa 1,242 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 7 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 275
Laguna – 360
Batangas – 144
Rizal – 382
Quezon – 81

Nasa 489 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 11 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 88
Laguna – 172
Batangas – 73
Rizal – 102
Quezon – 54

Nanatili sa 139 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 26
Laguna – 31
Batangas – 19
Rizal – 55
Quezon – 8

 

 

 

 

Read more...