#AmboPH isa na lamang LPA; Signal no. 1, inalis na

By Angellic Jordan May 17, 2020 - 05:55 PM

Tuluyan nang humina ang Bagyong Ambo at isa na lamang low pressure area, ayon sa PAGASA.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 125 kilometers Northwest ng Basco, Batanes bandang 4:00, Linggo ng hapon (May 17).

Tinatahak ng LPA ang direksyong pa-Hilagang Silangan.

Dahil humina na ang sama ng panahon, inalis na sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ang Batanes.

Ngunit, sinabi ng PAGASA na asahan pa ring magdudulot ang LPA ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Batanes.

TAGS: Ambo aftermath, AmboPH, breaking news, epekto ng Bagyong Ambo, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, wewather update May 17, Ambo aftermath, AmboPH, breaking news, epekto ng Bagyong Ambo, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, wewather update May 17

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.