Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 17, 2,397 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,294 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 826 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, 277 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 723 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 687 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 542 naman ang kaso sa Americas at 445 sa Asia Pacific Region.