Sa huling datos ng DOH hanggang 4:00, Linggo ng hapon (May 17), 12,513 na ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.
208 ang panibagong napaulat na kaso sa nakalipas na 24 oras.
Sa 208 na bagong kaso, 174 o 83 porsyento ay naitala sa National Capital Region; isa o isang porsyento sa Region 7; at 33 o 16 porsyento sa iba pang lugar.
Pito pang pasyente ang pumanaw kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 824 na.
Dagdag pa ng DOH, 74 ang bagong gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.
Bunsod nito, nasa 2,635 na ang total recoveries ng sakit sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES