Lalaking nurse sa Baguio City, nagpositibo sa COVID-19
Tinamaan ng COVID-19 ang isang 32-anyos na lalaking nurse sa Baguio City.
Ayon sa Baguio City Public Information Office, sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na ang bagong nagpositibong pasyente ay nurse sa Baguio General Hospital at residente ng Barangay Maria Pucay Pinsao Proper.
Dahil dito, agad anilang nagsagawa ng contact tracing, quarantine at disinfection protocols sa mga apektadong lugar.
Maliban dito, ipinag-utos din ng alkalde ang lockdown sa nasabing barangay para sa contact tracing.
Inabisuhan ni Magalong ang mga residente sa Baguio City na sumunod sa bagong General Community Quarantine protocols bilang precautionary measure sa COVID-19.
Sa huling datos, nasa 32 na ang kabuuang COVID-19 cases sa Baguio City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.