Anim ang kandidatong pangulo sa opisyal na listahan ng Comelec

Andres bautista NPO
Inquirer photo

Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa national positions kaugnay sa eleksyon sa May 9.

Binubuo ang listahan ng anim na kandidato sa pagka-pangulo kung saan ay kasama pa rin ang pangalan ng namayapang si Cong. Roy Señeres.

Kasama rin sa listahan sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte kahit na hindi pa naglalabas ng desisyon ang Supreme Court sa mga disqualification cases laban sa kanila.

Anim din ang kandidato bilang vice-president, limampu ang senador at 115 naman para sa party-list groups.

Ngayong hapon ay nagsimula na rin ang National Printing Office sa pag-iimprenta ng 57Million ballots na gagamitin sa halalan.

Nakatutok sa pagsisimula ng ballot printing ang mga opisyal ng Comelec sa pangunguna ni Chairman Andres Bautista.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...