17.1 milyong pamilya, nakatanggap na ng cash aid sa ilalim ng SAP
Mahigit 17.1 milyong pamilya na ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hanggang 8:00 ng gabi (May 15), katumbas na ito ng 94.8 porsyentong target bigyan ng ayuda ng gobyerno.
Sa nasabing bilang, higit 4.1 milyon ay Pantawid Pamilya beneficiairies habang 12.8 milyon ay mga benepisyaryo na binigyan ng local government units (LGUs).
Nasa 62,028 naman ang public utility vehicle (PUV) drivers na nabigyan ng tulong-pinansiyal.
Sa ngayon, tinatayang P96.7 bilyon na ang na-disburse na pondo ng pamahalaan para sa SAP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.