Yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Calayan, Cagayan Linggo ng tanghali.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 53 kilometers Northeast ng Calayan bandang 12:06 ng tanghali.
May lalim ang lindol na anim na kilometro at tectonic ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na wala namang naidulot na pinsala ang lindol sa nasabing bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.