Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 4.7-M na
Sumampa na sa mahigit 4.7 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 4,720,476 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,507,773 cases..
Sumunod na rito ang Spain na may 276,505 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 272,043 naman ang kaso sa Russia habang 240,161 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Brazil – 233,511
– Italy – 224,760
– France – 179,365
– Germany – 176,247
– Turkey – 148,067
– Iran – 118,392
– India – 90,927
– Peru – 88,541
– China – 82,947
– Canada – 75,864
– Belgium – 54,989
– Saudi Arabia – 52,016
– Mexico – 47,144
– Netherlands – 43,870
– Chile – 41,428
– Pakistan – 38,799
– Ecuador – 32,763
– Qatar – 30,972
– Switzerland – 30,572
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 313,221 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 1,811,675 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.