Higit 600,000 pamilya sa Maynila na apektado ng COVID-19, makatatanggap muli ng ayuda
Makatatanggap muli ng pinansyal na ayuda ang mahigit 600,000 na pamilya sa Maynila na apektado ng COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, tig-P1,000 ang ipamimigay ng lokal na pamahalaan.
Nakapaloob aniya ang pinansyal na ayuda sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF).
Ipamimigay ang tig-P1,000 sa susunod na linggo.
“Ito naman po ang aasahan niyong ayuda sa darating na dalawang linggo ng buhay natin ngayong Mayo. Naaprubahan na po last week ang second tranche ng CACAF. Tayo po ay muling magbibigay sa inyo mga kababayan ng P1,000 pesos per family sa targeted 607,000 families sa Lungsod ng Maynila,” pahayag ni Moreno.
“Iyan po ay mararamdaman niyo na this coming week. We will give that immediately. In our own little way, mga kababayan, in our own little way, maibsan man lang namin yung mga pangangailangan niyo sa buhay,” pahayag ng alkalde.
Samantala, makatatanggap na rin ng food packs at hygiene kits sa Mayo ang public school students aa Mayynila na nasa Kinder hanggang Grade 12.
Aabot sa 275,000 na estudyante ang bibigyan ng ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.