Kapatid ni Rep. Roy Señeres handang humalili bilang presidential candidate
Naghayag ng kahandaan para maging kapalit bilang presidential candidate ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka ang kapatid ni Rep. Roy Señeres na si Ramon “Ike” Señeres.
Sa kanyang liham na ipinadala kay Partido Manggagawa at Magsasaka President Atty. Jose Malvar Villegas Jr., sinabi ni Señeres na base sa rulings ng ating omnibus election code dapat ay kaapelyedo ng isang kandidato ang pwedeng humalili sa kanya sa halalan.
Ipinunto rin ni Señeres na sapat ang kanyang kakayahan para maging opisyal na kandidato ng kanilang partido sa darating na eleksyon.
Nauna nang sinabi ng PMM na ipapalit nila bilang opisyal na kandidato sa namatay na mambabatas si Atty. Apolonia Soquillon na nauna namang idineklara ng Comelec na isang nuisance candidate.
Si Señeres ay dating press attache’ ng Philippine Embassy sa Washington, naglingkod din siya bilang Bureau Chief ng Philippine News Agency at naging consulr assistant sa Philippine Consulate sa New York City.
Kilala rin si Señeres sa I.T industry bilang isang eksperto sa management information system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.