Pinatitiyak ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na masusunod ng lahat ng mga magbubukas na negosyo ang health and safety standards set ng Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.
Ang binuong task force ng pamahalaang-lungsod ang magsasagawa ng inspections.
Babala ng alkalde, ang mga hindi susunod ay agad ding ipapasara.
Nakasaad din sa memorandum na may petsang May 15,2020, maari din arestuhin at ikulong ang mga tao na lalabag base sa Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) and/or (ii) Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person In Authority).”
Nais matiyak ni Calixto-Rubiano na ang lahat ng mga establismento ay may infrared thermometers para sa kanilang mga empleyado at customer.
Kailangan din aniyang tiyakin na nasusunod ng mga negosyo ang iba pang safety protocols tulad ng pagsusuot ng masks at protective gear, may alcohol at nakakapaghugas ng mga kamay.
Ipapatupad din ang ‘no mask, no entry’ policy at one-meter physical distancing at paglalagay ng sanitation mats.
Kailangan ding magprisinta ng quarantine pass ang mga papasok sa establismento.
Ang sakay ng mga pribadong sasakyan ay dapat ay mga empleado lang ng sektor na pinayagan nang magbalik-operasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.