$700Million na halaga ng illegal drugs na nakalagay sa mga bra kumpiskado sa Australia

By Den Macaranas February 15, 2016 - 04:41 PM

Liquid drug
CNN

Umaabot sa $700Million na halaga ng mga liquid drugs ang nakumpiska ng mga tauhan ng Australian Federal Police sa tatlong Hong Kong nationals sa Sydney.

Ang nasabing mga liquid methylamphentamine ay natagpuang nakalagay sa mga nakumpiskang bra na unang inakala ng mga otoridad bilang mga silicon gel sticks.

Sinabi ni Federal Justice Minister Mike Keenan na aabot sa kabuuang 720 liters ng illegal drugs ang kanilang nakuha nang kanilang butasin ang pinaglagyan ng nasabing liquid methylamphentamine.

Nilinaw din ng opisyal na naging madali ang pag-aresto sa mga hindi pinangalanang mga suspects dahil sa pakikipag-tulungan ng Chinese Narcotic Control Commission.

Sa mga pag-aaral, ilan sa mga epekto ng tinatawag na liquid drugs na kilala rin sa tawag na “ice” ay ang pagkakaroong violent behavior, psychosis at long-term psychological issues.

TAGS: Australia, ice, Illegal Drugs, Liquid drugs, Australia, ice, Illegal Drugs, Liquid drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.