Wala dapat bagong buwis – Sen. Marcos

By Jan Escosio May 16, 2020 - 12:50 PM

Hindi dapat maningil ng mga bago at karagdagang buwis ang gobyerno ngayong hindi pa nakakabangon ang mga negosyo na nagsara o nalugi dahil sa COVID-19 crisis.

Ito ang sinabi ni Sen. Imee Marcos at aniya ang dapat gawin ng gobyerno ay baguhin ang pinag-uusapan pang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act o CITIRA.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs, ang dapat gawin ay dagdagan pa ang ibinibigay na tax reductions, deferrals and exemptions.

“New taxes are opposite of stimulus packages, which have been slow in coming but are what businesses need right now. Payment of tax dues and collection of tax revenues are likely to be difficult at this time,” sabi pa ni Marcos.

Ikinatuwa naman ng senadora ang pahayag ng government economic managers na bukas sila sa ‘calibration’ ng CITIRA at hindi dapat madaliin ang mga mambabatas na ipasa ito.

Nais ni Marcos na maisama sa CITIRA ang kabawasan ng hanggang limang porsiyento sa sinisingil sa buwis sa kita ng mga negosyo.

TAGS: citira, Corporate Income Tax and Incentives Reform Act, COVID-19 crisis, COVID-19 effect, ECQ effect, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Imee Marcos, citira, Corporate Income Tax and Incentives Reform Act, COVID-19 crisis, COVID-19 effect, ECQ effect, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.