Tropical Storm Ambo, patuloy pang humina; Signal no. 2, nakataas sa apat na lugar

By Angellic Jordan May 16, 2020 - 12:24 PM

Humina pa ang Tropical Storm Ambo habang tinatahak ang direksyong Hilagang-Kanluran sa bahagi ng Ilocos provinces.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 40 kilometers Northwest ng Sinait, Ilocos Sur bandang 10:00, Sabado ng umaga (May 16).

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 100 kilometers per hour.

Tinatahak pa rin nito ang direksyong North Northwest sa bilis na 25 kilometer per hour.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– Babuyan Islands
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Abra

Signal no. 1:
– Batanes
– Cagayan
– Western portion ng Isabela (Sta. Maria, Sto. Tomas, Delfino Albano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Quirino, Malig, Quezon, Roxas, San Manuel, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Ramon)
– Western portion ng Nueva Vizcaya (Villaverde, Solano, Bayombong, Ambaguio, Bambang, Kayapa, Aritao, Santa Fe)
– Apayao
– Kalinga
– Benguet
– Mountain Province
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan

Sinabi ng PAGASA na magdudulot ang bagyo ng moderate to heavy rains sa Cagayan Valley.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan naman ang iiral sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at northern portion ng Aurora at Zambales.

Babala pa ng PAGASA, mapanganib pa ring pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang-pandagat sa seaboard ng mga lugar na nakasailalim sa TCWS at east coast ng Quezon kasama ang Polilio Islands.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Ambo sa Lunes ng hapon, May 18.

TAGS: AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, epekto ng Bagyong Ambo, Inquirer News, Radyo Inquirer news, tropical storm ambo, AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, epekto ng Bagyong Ambo, Inquirer News, Radyo Inquirer news, tropical storm ambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.