Red warning nakataas na sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Nueva Ecija at Quezon
Nakataas na ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at maraming lalawigan na kalapit nito.
Ito ay dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan dahil sa Bagyong Ambo.
Sa 8PM rainfall warning ng PAGASA, red warning na ang umiiral sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Nueva Ecija, at sa mga bayan ng General Nakar, Polilio, Real, at Infanta sa Quezon.
Nagbabala ang PAGASA ng serious flooding sa mga flood-prone areas.
Orange Warning naman ang umiiral sa mga bayan ng Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, at Pagbilao sa Quezon; gayundin sa Laguna, Pampanga, at Tarlac.
HAbang yellow warning ang umiiral sa Bataan, Cavite, Batangas, at Zambales.
Samantala ayon sa PAGASA, light hanggang moderate na pag-ulan ang nakaaapekto sa nalalabi pang bahagi ng Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.