Nevada niyanig ng magnitude 6.2 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 07:43 PM
Niyanig ng maakas na lindol ang Nevada, ayon sa US Geological Survey.
Naitala ang magnitude 6.4 na lindol Biyernes ng madaling araw sa Nevada, alas 7:03 ng gabi naman oras sa Pilipinas.
Kalaunan ay ibinaba ng USGS sa 6.2 ang magnitude ng lindol.
Naitala ang sentro nito sa 110 miles ng Gardnerville Ranchos sa Nevada.
Wala naman pang napaulat na pinsala ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.