6,500 na OFWs nag-negatibo sa COVID-19 test maari nang makauwi sa kanilang pamilya

Inilabas ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs ang listahan ng mga Oversease Filipino Workers (OFWs) na nag-negatibo sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Coast Gurad (PCG) aabot sa humigit-kumulalng 6,500 na OFWs ang nag-negatibo sa RT-PCR testing para sa COVID-19.

Sila ay naisyuhan na ng Philippine Red Cross certificate at Bureau of Quarantine clearance.

Ang nasabing certificate at clearance ay magagamit nila upang makauwi na sa kani-kanilang pamilya.

Bisitahin ang link na ito para sa kumpletong listahan – https://bit.ly/2zKb7sj

 

Read more...