Bagyong Ambo mala-“Typhoon Yolanda Jr.” ayon kay E. Samar Gov. Ben Evardone
Matinding pinsala ang natamo ng mga bayan sa Eastern Samar Province matapos tumama dito ang bagyong Ambo.
Nasa Typhoon category pa ang Ambo ng tumama sa Eastern Samar.
Ayon kay Eastern Samar Governor Ben Ebardone, masasabi niyang mala-‘Typhoon Yolanda Jr’ ang bagyong Ambo.
Kabilang sa winasak ng Typhoon Ambo sa Eastern Samar ang mga paaralan, gym, simbahan at maraming mga bahay.
Inikutan ni Evardone ang mga bayan ng Dolores, Oras, San Policarpo at Arteche na maituturing aniyang hardest-hit ng bagyo.
Kung pagbabasehan aniya ang mga nawasak na imprastraktura ng Typhoon Ambo ay halos kahalintulad ito ng mga pinsala noon ng Typhoon Yolanda.
Marami ring pananim na niyog, mais, at root crops ang nasira.
Narito ang mga larawan ng pinsala ng bagyo sa Eastern Samar:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.