Pagkakaroon ng 2,500 kaso ng COVID-19 sa pagbabalik trabaho ng mga obrero ibinabala

By Erwin Aguilon May 15, 2020 - 06:03 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagbabala si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ng pagkakaroon ng 2,500 kaso ng COVID19 sa pagbabalik trabaho ng nasa 14 na milyong manggagawa bukas, May 16.

Ito ayon sa mambabatas ay hanggang sa katapusan ng Mayo.

Sabi ng mambabatas, base na rin ito sa impact assessment na kanilang isinagawa sa pagbabago sa quarantine measures.

Sa ilalim ng bagong quarantine regime, sinabi ni Salceda na 14.6 million workers ang babalik sa kani-kanilang trabaho, bukod pa sa 27.4 million na kasalukuyang pinahintulutang makapagtrabaho ng onsite.

Aabot naman sa 700,000 manggagawa aniya ang bawal pa ring makabalik sa kanikanilang mga trabaho.

Pagdating naman sa employment impact ng COVID-19, tinataya ni Salceda na 1.09 million manggagawa ang nawalan na ng trabaho, at inaasahang madagdagan pa dahil maraming kompanya ang nalulugi bunsod ng public health crisis.

Bukas ilalagay na sa modified ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, Laguna at Cebu City habang isasailalim naman sa general community quarantine ang karamihan sa mga nalalabing lugar sa bansa.

Sa ilalim nito, ilang negosyo na rin ang pinahintulutan na makapag-operate muli makalipas ang ilang buwang pagsasara dahil sa lockdown.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, joey salceda, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, joey salceda, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.